IBCTV13
www.ibctv13.com

Tropical Depression, posibleng pumasok sa PAR; tatawagin bilang bagyong Romina

Ivy Padilla
154
Views

[post_view_count]

Satellite image of Tropical Depression outside PAR as of 4:00 a.m. on Sunday, December 22. (Screengrab from PAGASA)

Posibleng pumasok ang binabantayang Tropical Depression (TD) malapit sa Palawan sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Linggo, Disyembre 22, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Huling namataan ang bagyo sa layong 620 kilometro timog ng Pag-asa Island sa Kalayaan, Palawan taglay ang lakas ng hangin malapit sa gitna na 55km/h at pagbugsong umaabot hanggang 70 km/h. 

Malaki ang tsansa na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) sa bahagi ng Kalayaan Islands sa oras na pumasok ang nasabing bagyo.

Ito na sakali ang ika-18 na bagyong tatama sa bansa ngayong 2024 na tatawagin bilang bagyong Romina. 

Sa ngayon ay patuloy na nakakaapekto ang Shearline na magdadala ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan sa Southern Luzon, Visayas at Dinagat Islands.

Asahan din ang maulap at malamig na panahon sa malaking bahagi ng Luzon kabilang na ang Metro Manila dahil naman sa umiiral na Northeast Monsoon o Amihan. 

Hinihikayat ang publiko na maging handa at alerto sa posibleng pagbabago sa lagay ng panahon.

Related Articles

National

Ivy Padilla

34
Views

National

Ivy Padilla

94
Views

National

Ivy Padilla

197
Views