IBCTV13
www.ibctv13.com

Trust at performance rating ni PBBM, posible pang umangat dahil sa murang bigas, mga programa para sa mahirap

Divine Paguntalan
95
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. personally distributes rice to beneficiaries under government programs. (Photo from PCO)

May posibilidad pang tumaas ang trust at performance ratings ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga darating na buwan, ayon sa polling firm na OCTA Research.

Sa isang panayam, sinabi ni OCTA Research fellow at UP professor Ranjit Rye na malaking bahagi sa pag-angat ng tiwala ng mga Pilipinong kabilang sa Class E o pinakamahihirap sa lipunan ang mga programa na direktang tumutugon sa kanilang pangunahing pangangailangan.

Kabilang na rito ang subsidized rice program o ang “Bente Bigas Meron Na,” kung saan nagbebenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo.

“More than 50%, close to 60% po urgent concern ay presyo ng bilihin. Pangalawa ay yung trabaho. Pangatlo ay affordable food. Makatutulong ba itong pagbaba, subsidiya ng bigas para sa mga mahihirap? Talagang makatutulong,” saad ni professor Rye.

Bagaman sa ilang piling lugar pa lamang sa Visayas ito mabibili sa kasalukuyan ay nakatakda itong palawigin pa ng pamahalaan.

Batay sa pinakahuling Tugon ng Masa survey ng OCTA nitong Abril, tumaas sa 66% mula 60% noong Nobyembre 2024 ang porsyento ng mga Pilipinong mahihirap na nagsabing may tiwala sila kay Pangulong Marcos.

Kaparehong porsyento din ang nagsabing sila ay kuntento sa kanyang pamumuno.

Dagdag pa ng professor na bukod sa murang bigas, malaki rin ang maitutulong ng iba pang pro-poor initiatives gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na patuloy na nararamdaman ng masa.

“Nakikita ng mahihirap sa ating bansa na mayroon, mayroon ginagawa ang gobyerno,” dagdag niya. – VC

Related Articles