IBCTV13
www.ibctv13.com

Trust, performance rating ni Pangulong Marcos Jr. mas tumaas nitong 2024 Q2 – OCTA

Divine Paguntalan
330
Views

[post_view_count]

President Ferdinand Marcos Jr. during his visit in Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental to distribute Presidential assistance to farmers and fisherfolks. (Photo by PCO)

Nananatiling malaki ang tiwala ng mga Pilipino sa serbisyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong makatanggap ng 71% na trust rating, batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey na isinagawa ng OCTA Research para sa second quarter ng 2024.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa trust rating na natanggap ng Pangulo noong unang kwarter ng taon na pumalo lamang sa 69%.

Kasabay nito ay nakakuha rin ang Pangulo ng 11-point surge sa Classes ABC, 2-point increase naman sa Class D at 3-point sa Class E para sa kanyang performance rating.

Bukod dito ay nakakuha rin ng karagdagang performance satisfaction rating ang punong ehekutibo sa key geographical areas — 8-point surge sa Mindanao, 5-point increase sa Visayas at 3-point increase sa Metro Manila.

Malaking salik sa resultang ito ang pagpapalakas ng administrasyon sa sektor ng agrikultura at pangingisda maging sa grassroots level.

Samantala, bumaba naman ang trust rating ng mga Pilipino kay Vice President Sara Duterte kung saan mula 68% noong unang kwarter ng 2024 ay lumapag ito sa 65% para sa second quarter ng taon.

Nag-decline din ang performance rating ni Duterte kung saan bumaba ito ng 3 points at 6 points sa Class D at E, habang 6-point decline din sa Metro Manila, 3-point decline sa Balance Luzon, 4-point decline sa Visayas at 1-point decline sa Mindanao.

“It is also noted that this is the first time President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. has registered a higher trust and performance rating than Vice President Sara Duterte-Carpio based on TNM surveys in the last three years,” pahayag ng OCTA Research.

Isinagawa ang TNM Survey simula Hunyo 30 hanggang Hulyo 5 ngayong taon. – AL

Related Articles