Napanatili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang magandang lagay ng kanyang trust at satisfaction rating mula sa mayorya ng mga Pilipino, batay sa survey ng OCTA research.
Sa datos ng fourth (4th) quarter survey ng polling firm, nakakuha ang Pangulo ng 65% trust rating at 64% na performance rating.
Nakitaan naman ng malaking pagbaba sa ratings ni Vice President Sara Duterte na mula 59% (trust) at 52% (performance) noong third (3rd) quarter ng nakaraang taon patungong 49% at 48% na lamang.
Napanatili namang mataas ng dalawang lider ng Kongreso ang kanilang rating.
May 63% at 65% ratings si Senate President Chiz Escudero habang 58% at 59% naman ang ratings ni House Speaker Martin Romualdez.
Nagkaroon din ng pagbaba sa ratings ni Chief Justice Alexander Gesmundo patungong 10% at 8%. – VC