IBCTV13
www.ibctv13.com

Tulfo brothers, nanguna sa napupusuang iboto ng mga Pinoy sa 2025 elections – survey

Divine Paguntalan
93
Views

[post_view_count]

Ben Tulfo and Erwin Tulfo (IBC News file photo)

Nanguna ang Tulfo brothers sa listahan ng mga napupusuan ng mga Pilipino para sa pagkasenador sa 2025 National and Local Elections (NLE), batay sa Tugon ng Masa survey ng research firm na OCTA Research.

Una sa listahan si ACT-CIS Partylist Representative at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na nakakuha ng 73% na boto mula sa mga sumagot sa nasabing survey na sinundan naman ng kanyang kapatid na si Ben Tulfo na lumapag sa rank 2-3 na may 66% na boto.

Pasok din sa Top 12 sina former Senate President Tito Sotto (63%); Sen. Bong Go (52%); re-electionist Sen. Bong Revilla at Sen. Pia Cayetano (49%); former Sen. Ping Lacson (47%); re-electionist Sen. Imee Marcos (41%); former Sen. Manny Pacquiao (38%); re-electionist Sen. Lito Lapid (36%); re-electionist Sen. Francis Tolentino (32%), at former Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos (30%).

Ayon sa OCTA, may tiyansa pa na makapasok sa Magic 12 sina Makati Mayor Abby Binay, Rep. Camille Villar, TV Host na si Willie Revillame, dating senador Gringo Honasan, re-electionist Sen. Bato dela Rosa at dating senador Kiko Pangilinan.

Isinagawa ang naturang survey mula Nobyembre 10-26.– VC

Related Articles