IBCTV13
www.ibctv13.com

Tulong pinansiyal para sa mga may sakit sa puso, itinaas ng PhilHealth

Divine Paguntalan
273
Views

[post_view_count]

(Photo by Michael Peronce, IBC News)

Inilunsad ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang mas pinalaking benepisyo para sa mga pasyente na may sakit sa puso kasama na ang pagkakaroon ng libreng check-up sa mga Konsulta centers.

Tugon ito sa lumalalang kaso ng sakit sa puso sa bansa, lalo na’t katatapos lamang ng holiday celebrations.

“We have listened to the patients and their families, and with the cooperation of our partner health facilities, we have been able to determine the prevailing costs that led us to adjust and substantially increase our financial support in these life-saving treatments,” pahayag ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr.

Sa ilalim ng bagong programa alinsunod sa PhilHealth Circular 2024-0032, narito ang tulong-pinansyal na maaaring makuha ng mga pasyente ng heart attack:

  • Percutaneous coronary intervention (procedure para sa baradong ugat sa puso): Mula P30,300, ngayon ay P524,000 na ang pwedeng i-claim
  • Fibrinolysis (gamot na nagtatanggal ng bara sa ugat): Mula P30,290, ngayon ay P133,500
  • Emergency medical transfer: P21,900
  • Cardiac rehabilitation: P66,140

Ang libreng check-up naman ay maaaring ma-avail sa higit 1,500 Konsulta centers sa buong bansa.

Sakop nito ang ilang laboratory test at mga libreng gamot na kinakailangan para mapalakas ang puso. 

“Through the Konsulta, we can identify potential health risks early on, including family history of heart disease, allowing for timely interventions such as medication for cholesterol management and lifestyle advice, to prevent or mitigate the development of heart disease,” dagdag ng PhilHealth president.

Sa pamamagitan ng mas pinalaking tulong-pinansyal at pagbibigay ng libreng konsultasyon, umaasa ang PhilHealth na mas maraming Pilipino ang makakaiwas sa sakit sa puso gayundin sa iba pang mga malalang karamdaman. – VC

Related Articles