IBCTV13
www.ibctv13.com

Ugnayan ng PH-Japan, patuloy na palalakasin – PBBM

Ivy Padilla
80
Views

[post_view_count]

Japan’s National Security Adviser Akiba Takeo pays a courtesy call on President Ferdinand R. Marcos Jr. at the Malacañan Palace on Thursday, December 19. (Photo by PCO)

Positibo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa higit na pagpapalakas sa ugnayan at kooperasyon ng Pilipinas at Japan pagdating sa usapin ng depensa, seguridad at ekonomiya.

“I’m very optimistic of the continuing strengthening of our partnership not only in terms of defense and security but even in the economic [area],” ani Pangulo sa courtesy call ni Japan’s National Security Adviser Akiba Takeo sa Malacañang nitong Huwebes, Disyembre 19.

Binigyang-diin ng punong ehekutibo ang matatag na pagkakaibigan ng dalawang bansa na nakatulong aniya upang mapalakas ang posisyon ng Pilipinas sa iba’t ibang isyu na kinakaharap nito.

Kabilang na rito ang pagpapatatag sa depensa at seguridad sa pamamagitan ng pagsasagawa ng ‘interoperability’ at ‘exercises’ sa South China Sea.

Ibinahagi rin ni Pangulong Marcos Jr. ang matagumpay na ratipikasyon ng Reciprocal Access Agreement (RAA) nitong Disyembre 16.

“I’m also very happy to be able to note that the Reciprocal Access Agreement has already been ratified by our Senate. And as soon as we are all ready, we can operationalize the agreement that we have come through between Japan and the Philippines,” saad ng Pangulo.

Layon ng RRA na mapabuti ang interoperability sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Self-Defense Forces of Japan para sa mas malawak na ‘practical military cooperation’ ng dalawang bansa.

Ikinagalak naman ni Prime Minister Ishiba Shigeru ang patuloy na pag-unlad sa bilateral cooperation ng Pilipinas at Japan.

Ilan aniya sa patunay nito ang ginanap na Japan-Philippine-US Summit Meeting noong Abril, Foreign and Defense Ministerial Meeting noong Hulyo at paglagda ng RRA ng Senado kamakailan. – AL

Related Articles

National

Divine Paguntalan

89
Views

National

Ivy Padilla

99
Views