IBCTV13
www.ibctv13.com

Umano’y international health concern, walang batayan – DOH

Jerson Robles
212
Views

[post_view_count]

IBC file photo

Naglabas ng opisyal na pahayag ang Department of Health (DOH) kaugnay sa kumakalat na balita tungkol sa umano’y international health concern.

Paglilinaw ng DOH, wala pang sapat na ebidensya ukol dito at maging ang World Health Organization (WHO) ay hindi ito sinusuportahan.

Nagsagawa ang DOH ng masusing pagsusuri kasunod ng mga impormasyong lumalabas sa social media.

Sa kanilang pahayag, patuloy na pinagtibay ng DOH ang kanilang paritisipasyon sa WHO bilang aktibong miyembro na nakasunod sa International Health Regulations (IHR). Ang sistemang ito ang siyang naghahatid ng mapagkakatiwalaang updates na may kinalaman sa pandaigdigang kalusugan.

Tiniyak ng ahensya na nakalatag at gumagana ang surveillance systems ng Pilipinas. Aktibo ring nagsasagawa ng regular na monitoring at disease surveillance ang DOH upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko.

Sa huli, pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasang magpalaganap ng maling impormasyon na nagdudulot ng takot at pagkalito. – VC

Related Articles

National

Jerson Robles

98
Views

National

Jerson Robles

139
Views

National

Divine Paguntalan

127
Views