Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na muling nakapagtala ang Pilipinas ng panibagong kaso ng Monkeypox viral DNA matapos magpositibo sa PCR test ang isang 33 taong gulang na lalaking Pilipino na walang kasaysayan ng byahe sa labas ng bansa at nakaranas ng lagnat at rashes sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Disyembre 2023 pa nang huling nakapagtala ng huling kaso ng sakit sa Pilipinas kung saan ang lahat ng mga naunang kaso ay matagumpay na na-isolate, naalagaan, at tuluyang nakarekober.
Na-detect ang bagong kaso mula sa 10th laboratory ng DOH sa pamamagitan ng pagkuha ng ‘skin lessions’ mula sa indibidwal matapos isailalim sa real-time polymerase chain reaction (PCR) test at kalauna’y nagpositibo sa viral disease.
Matatandaang kamakailan lamang ay idineklara ng World Health Organization (WHO) ang mpox bilang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC).
Paglilinaw naman ni Health Secretary Ted Herbosa, ang mpox ay isang sakit na maiiwasan.
“Mpox is transmitted through close, intimate contact, and also the materials used by people who have mpox. Keeping our hands clean with soap and water, or with alcohol-based sanitizers will help. DOH will make the testing process as convenient as possible, so that suspect cases may be identified fast and allowed to stay at home,” ani Herbosa.
Patuloy naman ang paalala ng ahensya na kayang maiwasan ang posibleng pagkahawa sa Mpox sa pamamagitan ng tamang paghuhugas ng kamay at paggamit ng alocohol-based sanitizers tuwing kinakailangan.