IBCTV13
www.ibctv13.com

Usec. Paul M. Gutierrez, natapos na ang termino bilang media task force head

Ivy Padilla
218
Views

[post_view_count]

Presidential Task Force on Media Security Executive Director, Undersecretary Paul Gutierrez (Photo by Presidential Task Force on Media Security)

Kinumpirma ni Undersecretary Paul M. Gutierrez na nagtapos na ang kanyang termino bilang Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) matapos ang isang taon at 14 na linggo na panunungkulan mula nang maitalaga noong Mayo 25, 2023.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si Gutierrez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagbibigay ng pagkakataon na maglingkod sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“His decision to continue with the PTFoMS is the clearest message to all that he is committed to creating a safe media environment where every member of the press can practice their profession responsibly, professionally, and without fear,” saad ni Gutierrez.

Binalikan ni Gutierrez ang ilan sa tagumpay ng PTFoMS kabilang ang paglutas sa limang ‘violent attacks’ laban sa pamamahayag sa ilalim ng administrasyong Marcos Jr., gayundin ang dalawang kaso ng ‘media killings’ sa ilalim naman ng mga nagdaang administrasyon.

Masigasig ding tumulong ang PTFoMS sa pagresolba ng mga insidente ng pananakot at panggigipit sa mga miyembro ng press.

Bukod dito, ipinagmalaki ng dating opisyal na nakapagsagawa ang PTFoMS ng walong regional media safety summits sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng mga lokal na pamahalaan at media organizations.

“I thank all the members of the press—groups and individuals all over the country—who answered my call that without their help and cooperation, the PTFoMS can only do so much. Para sa inyo ito at salamat sa tulong at suporta ninyo,” pasasalamat ni Gutierrez.

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, kinilala ni Gutierrez ang dedikasyon ng mga PTFoMs staff na sumama at tumulong sa kanya upang maisakatuparan ang kanilang pangako at serbisyo. -VC

Related Articles