IBCTV13
www.ibctv13.com

Utang ng Pilipinas, hindi dapat ikabahala – Finance Secretary

Jerson Robles
448
Views

[post_view_count]

Canva file photo

Pinawi ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga pangamba ukol sa outstanding debt ng Pilipinas na nagkakahalaga ng P16 trilyon.

Ayon kay Recto, ‘on-track’ ang gobyerno sa pag-utang at pagbabayad nito.

Sa kabila ng pagtaas ng utang dulot ng pagpapalakas ng dolyar laban sa piso, sinabi ni Recto na inaasahang mas mabilis ang paglago ng ekonomiya kaysa sa utang, at bahagyang bumababa na ang deficit sa debt ratio kasunod ng natanggap na credit upgrade mula sa S&P Global.

Sa pinakahuling datos mula sa Bureau of the Treasury, ang outstanding debt ng bansa ay umabot sa P16.02 trilyon noong katapusan ng Oktubre 2024, na 10.6% na mas mataas kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Binanggit ni Sec. Recto na ang pagtaas ay dulot ng depreciation ng piso, ngunit binigyang-diin ang positibong pananaw para sa hinaharap habang patuloy na nagtatrabaho ang gobyerno upang makamit ang ‘A’ credit rating. – VC

Related Articles