IBCTV13
www.ibctv13.com

Volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon, pumalo sa 337 sa loob ng 24 oras – PHIVOLCS

Alyssa Luciano
673
Views

[post_view_count]

Kanlaon Volcano in Negros Island. (Photo by PNA)

Mas tumaas pa ang ‘seismic activity’ ng bulkang Kanlaon sa Negros Island matapos maitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang 337 volcanic earthquakes, simula 12:00 a.m. nitong Martes, Setyembre 10 hanggang 12:00 a.m. ngayong Miyerkules, Setyembre 11.

Naitala rin mula sa bulkang Kanlaon ang aabot sa 9,985 toneladang asupre na ibinuga nito sa nakalipas na araw.

Batay sa pagmamanman ng PHIVOLCS, umabot sa 1,000 metrong taas ang pagsingaw ng bulkan na napadpad patungo sa timog-silangan.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius Permanent Danger Zone (PDZ) mula sa bulkan pati na rin ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Paalala pa ng PHIVOLCS, posible ang biglaang pagputok ng steam o phreatic explosion mula sa Kanlaon.

Kasalukuyang nakasailalim ang bulkang Kanlaon sa Alert Level 2. – VC

Related Articles