Matapang na ipinahayag ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa isang ambush interview na hindi na ‘fit’ sa pagiging Vice President si VP Sara Duterte.
Kasunod ito ng kontrobersyal na pahayag ni Duterte sa isang online media briefing kung saan pinagmumura niya at binantaan pa ang buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pati na sina First Lady Liza Marcos at House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Trillanes, ‘hinog na hinog na’ para sa impeachment ang Bise Presidente dahil hindi na akma ang kanyang aksyon.
“Nakikita naman ng mga kababayan natin lahat ng dangers, red flags, yung unfitness ni Sara Duterte to hold the position of Vice President and remember as Vice President, she could be President anytime in cases of emergencies,” saad ni Trillanes.
Naniniwala naman ang dating Senador na wala na sa normal na pag-iisip si Duterte kaya dapat mabahala ang mga Pilipino ukol dito.
“Kaya imagine mo yung asal na nilalabas niya bibigyan mo ng power ng residency yan, dapat kikilabutan yung bawat Pilipino, wala ito sa tamang katinuan,” dagdag niya. – VC