Ipinagmamalaki ng University of the Philippines Resilience Institute (UPRI) ang kanilang UP National Operational Assessment of Hazards (NOAH) website na kayang tumulong sa publiko na alamin kung may banta ng sakuna o panganib sa isang lugar.
Kabilang na rito ang mga posibleng pagbaha, storm surge at pagguho ng lupa bunsod ng mga pag-ulan na pangunahing nakabase sa flood simulations, gayundin sa historical at satellite data ng website.
Bukod dito, makikita rin sa nasabing website ang mga ligtas na lugar na maaaring mapuntahan ng publiko sa oras ng kalamidad.
Layon ng NOAH website na maging kaagapay ng pamahalaan sa pagsulong ng ‘disaster risk reduction and management’, pagtugon sa nagbabagong klima, at makatulong sa pagbawas ng posibleng epekto ng kalamidad o sakuna.Sa mga nais malaman ang antas ng kaligtasan sa kanilang tinitirhan na lugar, bisitahin lamang ang UP NOAH sa link na https://noah.up.edu.ph/know-your-hazards at ilagay ang lokasyon ng tirahan sa ‘search bar’ nito. -IP