IBCTV13
www.ibctv13.com

World record para sa ‘largest simultaneous bamboo planting event’, nasungkit ng Pilipinas

Alyssa Luciano
265
Views

[post_view_count]

DOST Secretary Renato Solidum Jr. spearheaded the simultaneous bamboo tree planting on October 18. (Photo by DOST 10)

Tagumpay na nakamit ng Pilipinas ang Guinness World Record para sa ‘largest simultaneous bamboo planting event’ kung saan sabay-sabay na nagtanim ang mga Pilipino ng puno ng kawayan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kinumpirma ni Guinness World Records adjudicator Sonia Ushiriguchi ang titulo kasabay ng pagdiriwang ng National Science, Technology, and Innovation Week (NSTIW) ng Department of Science and Technology (DOST) nitong Nobyembre 28 sa Cagayan de Oro City.

Aabot sa 2,305 na mga kalahok ang nagtanim ng puno ng kawayan para sa record-setting event na isinagawa ng DOST at mga partner nito mula sa Kawayanihan Circular Economy Movement noong Oktubre 18 sa 19 sa mga lugar sa Mindanao at Leyte.

Layunin ng pagsasagawa nito na mas mabigyan ng kaalaman ang mga Pilipino sa potensyal ng kawayan upang mapalakas ang ‘Circular Economy, Climate Resilience, and Sustainability’ ng bansa.

“We must love our environment as much as we love our children — ensuring they are healthy and live in a peaceful, stable place,” mensahe ni DOST Secretary Renato Solidum Jr.

Kasabay naman ng pagdiriwang ng NSTIW ay ibinida rin dito ang ilang mga likha mula sa kawayan kabilang na ang mga upuan, mesa, higaan, at iba pang mga kagamitan na gawa sa naturang puno. – VC

Related Articles

Feature

Jerson Robles

420
Views

Feature

Jerson Robles

5783
Views

Feature

Divine Paguntalan

196
Views