IBCTV13
www.ibctv13.com

Yoon Suk Yeol, tuluyan nang pinatalsik ng korte bilang Presidente ng SoKor

Ivy Padilla
101
Views

[post_view_count]

Yoon Suk Yeol (Photo by Anadolu)

Tuluyan nang nagdesisyon ang Constitutional Court ng South Korea na patalsikin sa pwesto si President Yoon Suk Yeol kasunod ng kanyang deklarasyon ng martial law sa nasabing bansa noong Disyembre 2024. 

“Given the serious negative impact and far-reaching consequences of the respondent’s constitutional violations… (We) dismiss respondent President Yoon Suk Yeol,” saad ni acting court President Moon Hyung-bae.

Nakatakdang ianunsyo ng awtoridad sa South Korea ang isasagawang presidential elections sa kanilang bansa na kailangan maganap sa loob lamang 60 araw matapos maging epektibo ang pagkakaalis sa pwesto ng dating Pangulo. 

Sa ngayon ay binigyan na ng karagdagang proteksyon ang mga tumayong hukom sa impeachment ni Yoon upang matiyak ang kanilang kaligtasan mula sa anumang banta sa buhay. 

“In the end, the respondent’s unconstitutional and illegal acts are a betrayal of the people’s trust and constitute a serious violation of the law that cannot be tolerated,” desisyon ng mga hukom. 

Matatandaan na pinalaya mula sa kulungan si Yoon noong Marso 8 matapos payagan ng korte na humarap sa paglilitis nang walang detensyon. 

Si Yoon ang ikalawang lider ng South Korea na na-impeach ng korte kasunod ni Park Geun-hye noong 2017. – AL

Related Articles

International

Divine Paguntalan

173
Views

International

Alyssa Luciano

242
Views