IBCTV13
www.ibctv13.com

Zero Balance Billing, BUCAS Centers, patuloy na nagseserbisyo sa Eastern Visayas

Michael Peronce
72
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. and DOH Secretary Ted Herbosa inspected the implementation of the Zero Balance Billing program at Eastern Visayas Medical Center (EVMC). (File photo of DOH – RO VIII)

Inihayag ng Department of Health (DOH) na isa ang Eastern Visayas sa personal na nasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagpapatupad ng Zero Balance Billing (ZBB) policy, sa pangunguna ni Secretary Ted Herbosa.

Sa ilalim ng nasabing programa, sagot na ng pamahalaan ang anumang babayaran ng mga pasyenteng ma-a-admit sa basic o ward accommodation sa mga DOH-run hospitals.

Sa press briefing sa Malacañang ngayong araw, ibinida ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na isa ang DOH Eastern Visayas Medical Center sa Tacloban City sa nangungunang malaking ospital ng gobyerno na kumpleto ang mga pasilidad, espesyalista, at mga gamot.

Ang lahat ng ito ay libre sa basic o ward accommodation alinsunod sa utos ni Pangulong Marcos Jr.

Kasabay ng pagpapatupad ng ZBB, nagtayo rin ng dalawang Bagong Urgent Care and Ambulatory Services (BUCAS) Center sa Eastern Visayas, partikular na sa mga bayan ng Tolosa at Villaba sa Leyte, noong 2024.

Umabot pa hanggang Catarman, Northern Samar ang BUCAS Center, dahilan upang umabot na sa tatlo ang kabuuang bilang ng centers sa buong Eastern Visayas na pinapangasiwaan ng Eastern Visayas Medical Center.

Ang mga BUCAS Center ay patuloy na napupuntahan ng mga kababayan sa Visayas para sa agarang serbisyong-medikal na hindi na nangangailangan pang dumayo sa ospital.

Batay sa pinakahuling datos, umabot na sa 37,502 na mga pasyente ang naserbisyuhan ng programang BUCAS kung saan nakapagpalabas ng kabuuang halaga na P1,496,723,808.78.