IBCTV13
www.ibctv13.com

5 mantras para sa mataas na self-confidence

Hecyl Brojan
25
Views

[post_view_count]

File photo from Canva

Maraming dahilan kung bakit minsan, kahit anong effort mo tungo sa high self-confidence, dumarating talaga sa punto na babagsak ang kumpiyansa mo sa sarili.

Pressure sa social media? Opinyon ng ibang tao? Personal insecurities? Tatlo sa mga salarin kung bakit naglalaho ang glow mo.

Ngayong Boost Your Self-Esteem Month, isa sa pinakamabisang paraan para muling i-win back ang confident you ay ang paggamit ng affirmations o mantras, mga positibong pangungusap na nagpapaalala sa tunay mong halaga.

Narito ang Top 5 Mantras para sa mas matibay na self-esteem:

1. “Ako ay sapat at karapat-dapat.”
Hindi ko kailangan patunayan ang sarili ko sa iba, dahil alam kong ako ay mahalaga.

2. “Hindi ko kailangan maging perpekto para maging mahalaga.”
Ang pagiging totoo sa sarili ay mas mahalaga kaysa sa pagiging perpekto.

3. “Deserve ko ang respeto, pagmamahal, at success.”
Karapat-dapat kong makamit ang mabubuting bagay sa buhay.

4. “Ang pagkakamali ay bahagi ng pagkatuto, hindi ng aking pagkatao.”
Hindi ako defined ng aking failures, kun’di ng aking growth.

5. “Pinipili kong mahalin at tanggapin ang sarili ko ng buo.”
Sa halip na husgahan ang sarili, pipiliin kong yakapin ang aking pagkatao.

Ang tunay na kumpiyansa ay nagsisimula sa self-love

Ang self-esteem ay hindi isang bagay na basta na lang dumarating, ito ay kailangang buuin at palakasin araw-araw. Sa pamamagitan ng positibong pag-iisip at pagpapahalaga sa sarili, mas nagiging matibay tayo sa anumang hamon ng buhay.

Piliin nating maniwala sa sarili, yakapin ang ating kahinaan, at ipagdiwang ang ating mga tagumpay, malaki man o maliit. Dahil ikaw ay sapat, mahalaga at karapat-dapat.

Sabi nga sa lyrics ng isa sa mga kanta ng Ben&Ben, “Sarili ay mahalaga kahit pa anong tingin nila. Tanggap kita.” – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

218
Views

Feature

Hecyl Brojan

141
Views

Feature

92
Views