IBCTV13
www.ibctv13.com

7 simbahan para sa Visita Iglesia ngayong Semana Santa

Hecyl Brojan
314
Views

[post_view_count]

Devotees participate in the annual Alay Lakad pilgrimage in Antipolo Cathedral, International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage on Maundy Thursday, March 29, 2024. (Photo from Antipolo Cathedral)

Tuwing Semana Santa, partikular sa Huwebes Santo, bahagi na ng tradisyon ng maraming debotong Katoliko sa Pilipinas ang Visita Iglesia.

Ito ay isang debosyon kung saan pitong simbahan ang binibisita ng mga Katoliko upang magdasal sa “Stations of the Cross” bilang pagninilay at pagsunod sa sakripisyo ni Hesukristo.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang Visita Iglesia ay hindi lamang isang panata kundi isang paglalakbay ng pananampalataya.

Marami sa mga deboto ang muling maghahanap ng mga simbahan na makasaysayan na magpapalalim sa kanilang espiritwal na karanasan.

Narito ang pitong pinakatanyag na simbahan sa bansa na itinuturing na pamana ng pananampalataya ng mga Pilipino.

San Agustin Church – Intramuros, Manila

Pinakamatandang simbahan sa Pilipinas. Ang San Agustin Church sa Intramuros, Manila ay itinayo noong 1607 at kabilang sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Sites.

Kilala ito sa baroque na arkitektura at matibay na istruktura na nakaligtas sa digmaan at mga lindol.

Isa ang San Agustin Church sa patunay ng pananampalataya at katatagan ng sambayanang Pilipino.

San Agustin Church (Photo from PIA)

Manila Cathedral – Intramuros, Manila

Ang Inang Simbahan ng Katolisismo sa bansa. Ang Manila Cathedral ay hindi lamang sentro ng mga liturhikal na selebrasyon kundi isang simbolo ng muling pagbangon.

Nasaksihan nito ang ilang papal visits at mga makasaysayang kaganapan sa bansa.

Archbishop Charles Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, led the Mass for the Solemnity of Saints Peter and Paul at the Manila Cathedral, June 29, 2021. (Photo from CBCP NEWS), Manila Cathedral, Intramuros, Manila (Photo from PIA)

Quiapo Church – Quiapo, Maynila

Tahanan ng Mahal na Itim na Nazareno. Ang Quiapo Church ay dinarayo ng milyun-milyong deboto taun-taon, lalo na tuwing Traslación.

Higit pa sa istruktura nito, mahalaga ito bilang sentro ng pag-asa, panata, at panalangin ng karaniwang Pilipino.

Noong Enero 2024, idineklara ang Quiapo Church bilang isang ganap na National Shrine.
Ayon sa CBCP, ang pagkilalang ito ay tanda ng pagpapahalaga sa matagal nang debosyon ng mga Pilipino sa Poong Itim na Nazareno at sa malaking papel na ginagampanan ng simbahan sa pagpapalaganap ng pananampalataya sa bansa.

Quiapo Church (File photo by Princess Jordan, IBC-13)

Basilica of St. Martin de Tours – Taal, Batangas

Pinakamalaking Katolikong simbahan sa Asya. Ang Taal Basilica ay isang napakagandang halimbawa ng kolonyal na arkitektura.

Matatagpuan ito sa makasaysayang bayan ng Taal at isang popular na destinasyon tuwing Mahal na Araw.

Basilica of St. Martin de Tours (Photo from National Historical Commission of the Philippines)

Paoay Church – Paoay, Ilocos Norte

Isa sa mga UNESCO World Heritage Sites, ang Paoay Church ay kilala sa kakaiba nitong “earthquake baroque” style.

Mayroon itong makakapal na pader at disenyo na sinadya upang makaligtas sa mga lindol, isang patunay ng likas na talino ng mga arkitektong Pilipino noong panahon ng Espanyol.

Paoay Church, Ilocos Norte (Film Development Council of the Philippines Website)

San Sebastian Basilica – Manila

Ang tanging all-steel church sa buong Asya. Ang San Sebastian Basilica ay may kakaibang Gothic Revival na disenyo.

Kahanga-hanga ang pagkakayari nito, na ipinadala pa noon mula sa Belgium at muling binuo sa Pilipinas—isang obra ng sining at inhenyeriya.

San Sebastian Basilica, January 11, 2019 (Photo from Basilica Minore San Sebastian Facebook)

Miag-ao Church – Miag-ao, Iloilo

Itinuturing bilang isa sa mga pinakamagandang simbahan sa bansa. Ang Miag-ao Church ay kilala sa makulay na detalye ng façade nito na may mga imaheng lokal gaya ng kawayan, papaya, at bulaklak.

Isa rin ito sa mga UNESCO World Heritage Sites, at isang natatanging halimbawa ng pagsasanib ng relihiyon at lokal na kultura.

Miag-ao Church – Miag-ao, Iloilo (Photo from Municipality of Miagao Website)

Sa darating na Visita Iglesia, gawing matibay ang pananampalataya habang pinapalago ang kaalaman sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

88
Views

Feature

199
Views