IBCTV13
www.ibctv13.com

‘Bangkang Papel’ Boys: Mga batang Payatas, tampok sa unang SONA ni Arroyo

Hecyl Brojan
77
Views

[post_view_count]

Courtesy to Gloria Macapagal Arroyo’s Facebook page

Noong Hulyo 23, 2001, naging makasaysayan ang unang State of the Nation Address (SONA) ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang dalhin niya sa entablado ang tatlong batang lalaki mula sa Payatas dumpsite sa Quezon, City.

Sila ay sina Jomer Pabalan, Jayson Vann Banogan, at Erwin Dolera, na tinaguriang mga “Bangkang Papel” boys.

Courtesy to Gloria Macapagal Arroyo’s Facebook page

Naging kilala ang tatlo matapos nilang isulat sa mga bangkang papel ang kanilang mga simpleng kahilingan at ipaanod ito sa Ilog Pasig patungong Malacañang.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Arroyo na ang mga hiling ng mga bata na trabaho para sa ama nito, pagnanais na makapagtapos ng pag-aaral, at pagpapasara sa dumpsite sa Payatas, ay magiging sentro ng kanyang administrasyon, “These are the core of my vision”, aniya.

Courtesy to Gloria Macapagal Arroyo’s Facebook page

Sa sumunod na mga taon, natulungan ang ilan sa kanila sa pamamagitan ng scholarships at tulong pangkabuhayan mula sa Department of Social and Welfare Development (DSWD), at iba pang ahensya.

Si Jomer at Jayson ay nagpatuloy sa pag-aaral, habang si Erwin naman ay nakapasok sa kolehiyo bago siya pumanaw noong 2016. –VC

Related Articles

Feature

Carisse Joy Mendoza, IBC Intern

1637
Views

Feature

Hecyl Brojan

454
Views