Hindi pa tapos ang mga regalo para kay double Olympic Gold medalist Carlos Edriel Yulo dahil nagkaloob ang Philippine Olympic Committee (POC) ng dalawang panibagong ‘two-storey house’ na nagkakahalaga ng P15 milyon kung saan nakatakdang itayo sa isang 500-square meter na lote sa Tagaytay City, Cavite.
Sa loob ng nasabing lote ay mayroon pa itong amenities tulad ng ‘gazebos.’
Bukod kay Yulo, nakatanggap din sina Bronze medalists Aira Villegas at Nesthy Petecio ng ‘brand-new bungalows’.
“It’s now a tradition, first Hidilyn Diaz deserved all the best for giving the country its first Olympic gold medal and now, it’s the turn of Caloy, Nesthy and Aira to be feted with the same reward for their historic efforts,” mensahe ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino.
Dagdag pa ni Tolentino, nararapat lamang ibigay ang lahat ng insentibo para sa lahat ng mga nag-uwi ng medalya dahil hindi madaling manalo sa Olympics sa haba ng disiplina at atensyon na kinakailangan para maabot ito. – VC