IBCTV13
www.ibctv13.com

DOT, nakapagtala ng P362-B visitor receipts mula Enero-Agosto; mas mataas sa record noong pre-pandemic

JM Pineda
1324
Views

[post_view_count]

(File Photo)

Magandang balita ang hatid ni Department of Tourism (DOT) Secretary dahil umabot na sa P362.58 billion ang naitala ng ahensya na visitor receipts o ang nagagastos ng mga turistang pumapasok sa bansa simula noong Enero hanggang Agosto ngayong 2024.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa P326.14 billion na visitor receipts na naitala noong Enero hanggang Agosto 2019 o noong pre-pandemic era.

Kasabay nito ay kumpiyansa ang DOT na malalagpasan ng Pilipinas ang tourist arrival noong nakaraang taon na umabot ng 5,450,557 international visitors lalo pa’t lumalakas pa ang turismo ng Pilipinas sa pagpasok ng ‘ber months’.

“We aim to exceed what we garner last year becasue nakikita natin yung importanteng numero na dapat talaga tingnan. Kung magkano yung nagagastos ng turista natin sa Pilipinas kasi ito naman yung nakakabigay ng employment at livelihood sa ating mga kababayan,” paliwanag ni Frasco.

As of September 10, pumalo na sa 4,146,208 ang bilang ng mga international tourist na bumisita sa Pilipinas habang target naman ng ahensya na makakuha ng 7.7 million na arrivals para sa buong taon.

Target din ng DOT na maungusan ang 6.21 million na tourism employment noong nakaraang taon. – AL/VC