IBCTV13
www.ibctv13.com

DSWD, magsasagawa ng special payout para sa PUV drivers na wala sa listahan ng cash aid

Khengie Hallig
1275
Views

[post_view_count]

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) distributed the P5,000 cash relief assistance for the TNVS drivers at Caloocan City. (Photo from DSWD)

Maglulunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng special payout para sa mga public utility vehicles (PUV) driver na hindi pa nakatatanggap ng P5,000 cash relief assistance (CRA).

Kabilang sa naging isyu sa distribusyon ang ilang driver na wala sa opisyal na listahan ng CRA.

Ayon sa DSWD, upang mapabilang sa listahan ng mga benepisyaryo ay kinakailangang magsumite ng mga tsuper ng kanilang mga pangalan at kopya ng kanilang valid driver’s license sa kanilang transport regulatory unit upang maipagbigay-alam sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Maaari rin dalhin ng mga PUJ driver ang kanilang valid driver’s license at photocopy nito sa mga help desk ng LTFRB.

Samantala, nakatakdang makipagpulong si DSWD Secretary Rex Gatchalian sa Grab Philippines, isang transport network vehicle services (TNVS) company, upang maisama ang mga pangalan ng mga TNVS driver na wala sa listahan.

Tiniyak ng ahensya na mananatili ang kanilang layunin na mabigyan ng tulong pinansyal ang lahat ng driver sa bansa.

Sa kasalukuyan, mayroon nang kabuuang 22,937 TNVS drivers na napamahagian ng tig- P5,000 cash relief assistance.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng mga Field Office (FO) ng ahensya sa mga local government units (LGUs) at LTFRB regional offices para sa regional CRA payouts na nakatakdang isagawa pagkatapos ng Semana Santa. – VC