IBCTV13
www.ibctv13.com

Electronic devices sa flight, dapat bang check in o hand carry?

Hecyl Brojan
356
Views

[post_view_count]

Photo from James Afante’s Facebook post

Madalas ngayon sa mga travel abroad, hindi na lang sa damit paramihan ang mga byahero. Kung dati, sapat na ang cellphone para ma-enjoy ang isang destinasyon. Ngayon, kasama na sa pinaglalaanan ng espasyo sa loob ng maleta ang mga bagong nagsisikatang mga gadget.

Nito lamang, naging maingay sa social media ang usapin ng pagdadala ng electronic devices sa flights.

Kasunod ito ng viral Facebook post ng isang pasahero na nagbahagi ng kanyang pagkadismaya sa isang sikat na airline matapos mabasagan ng laptop sa kabila ng nakalagay na fragile sticker sa kanyang bagahe.

Dahil dito, marami tuloy ang nagtatanong kung dapat bang i-check-in or i-hand carry na lamang ang mga electronic device sa eroplano.

Sa policy ng International Air Transport Association (IATA) na sinusunod na batayan ng ilang local airlines tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific, at AirAsia, may mahigpit na regulasyon pagdating sa pagdadala ng gadgets at batteries sa eroplano.

  • Ang mga laptop, mobile phone, at tablets ay dapat nasa carry-on baggage lamang.
  • Pinapayagan sa carry-on baggage ang lithium-ion batteries na hindi tataas sa 100 watt hours.
  • Ang pagdadala ng 101-160Wh batteries ay nililimit lamang sa hanggang dalawang piraso.
  • Ipinagbabawal sa anumang uri ng bagahe ang mga baterya na higit 160Wh.
  • Pinapayagan ang smart luggage sa checked-in baggage basta ito ay walang baterya.
  • Pinapayagan sa carry-on baggage ang E-cigarettes/vape ngunit bawal gamitin o i-charge sa flight.
  • Hanggang 100ml lamang kada lalagyan ang pinapayagan na liquids, gels, at aerosols sa carry-on at dapat nakalagay sa transparent resealable bag na hindi lalampas ng 1 liter.

Tamang Paraan ng Pagbiyahe nang may Laptop

Sa katunayan, mas hinihikayat ng IATA na dalhin na lamang sa cabin ang mga laptop upang maiwasan ang mga sumusunod:

  • Pagkawala – Mas madaling mababantayan ang iyong gamit kung ito ay nasa carry-on bag.
  • Pagkabasag – Hindi ito isasama sa iba pang mabibigat na bagahe na maaaring makasira pa rito.
  • Pagnanakaw – Mas mababa ang tyansa ng pagnanakaw kumpara sa checked-in baggage.

Maliban dito, ang pagdadala ng laptop sa carry-on bag ay may mabilis na access sa mga pasahero dahil magagamit pa ito para sa trabaho o entertainment habang nasa flight.

Upang maiwasan ang aberya sa biyahe, may mga alituntunin din ang IATA para sa mga pasahero na may bitbit na electronic devices:

  • Laging i-hand carry ang iyong laptop.
  • Siguraduhing fully charged ito bago dumaan sa security screening, dahil maaaring hilingin ng airport authorities na buksan ito.
  • Gamitin ang tamang protective case upang maiwasan ang insidente ng pagkasira habang nasa bag mo.

Dahil sa lumalawak na diskusyon online, naging panawagan ngayon sa mga airline na maging mas malinaw umano sa kanilang patakaran patungkol sa pagbiyahe nang may electronic devices.

Samantala, may aral naman ito para sa mga pasahero na ang pag-iingat ng sariling gamit ay isang mahalagang responsibilidad. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

150
Views

Feature

Hecyl Brojan

165
Views