IBCTV13
www.ibctv13.com

F.O. NA TAYO!: Friendship breakup, mas masakit pa sa heartbreak?

Hecyl Brojan
103
Views

[post_view_count]

Photo from Canva

Familiar ka ba sa salitang cut off? Eh sa F.O. o Friendship Over?

Yung sa group of friends, ikaw ang napiling ma-eliminate sa tropa. O kaya naman sa inyong magkaibigan, parang internet na something went wrong tapos hindi na kayo ulit maka-connect kasi napalitan na pala yung password. Masakit ‘yon!

Kung ikukumpara sa isang romantic breakup, may kasamang expectation na baka hindi kayo magtagal. May posibilidad na hindi kayo soulmate, o baka hindi lang talaga kayo para sa isa’t isa.

Pero sa pagkakaibigan, madalas nating iniisip na lifetime na ito. Ang kaibigan ang sandalan mo sa lahat ng aspeto ng buhay, sila ang kasama mo sa tuwa’t lungkot, sa tagumpay at kabiguan. Minsan nga ay tinatawag pang siblings from different mothers dahil sa solid na bonding.

Kaya kapag nawala sila, para kang nawalan ng kapatid, kasama sa kalokohan, at emotional support system all at the same time.

Pero bakit nga ba parang mas masakit pa ang friendship breakup kesa sa heartbreaks?

Matagal na Pinaghugutan, Biglang Nawalan

Canva file photo

Karamihan sa friendships, nabubuo hindi lang sa isang iglap kundi sa mahabang panahon. Hindi ito tulad ng romantic relationships na may ligawan stage, dating phase, at possible na separation na medyo expected.

Ang pagkakaibigan, natural na dumadaloy, hanggang sa bigla na lang may mangyari at hindi na kayo mag-usap. Walang closure, walang malinaw na “tapos na tayo”.

Walang “Official” Breakup, Pero Ramdam Mo

Canva file photo

Sa jowa, may breakup talk, kahit gaano kasakit, at least may ibang nagkakaroon ng closure. Sa friendship, kadalasan hindi ganun. Minsan, mararamdaman mo na lang na lumalayo siya, nag-iiba ng vibe, o may ibang grupo nang kasama.

Mas masakit kasi wala kang kasiguraduhan kung tapos na ba talaga o may chance pang bumalik.

Support System Mo Siya, Pero Sino na ang Tatawagan Mo Ngayon?

Canva file photo

Sa breakup ng mag-jowa, madalas ang unang lalapitan mo ay ang bestfriend mo. Pero paano kung siya mismo ang nawala? Walang familiar comfort, walang instant advice, at minsan, parang wala ka nang ibang malapitan.

Madalas, Mas Malalim ang Connection

Canva file photo

Hindi lahat ng romantic relationships nagtatagal ng dekada, pero maraming friendships ang ganoon. Mas matibay, mas maraming shared experiences, at mas tunay. At dahil nga nasanay ka na sa presence niya, ang hirap isipin na wala na yung comfort zone mo.

Sa huli, ang tunay na nagpapahirap sa friendship breakup ay ang realization na hindi lahat ng akala mong panghabambuhay ay mananatili.

Oo masakit. Pero tulad ng ibang breakups, parte ito ng buhay. At kahit hindi natin agad mapalitan ‘yung “partner-in-crime” natin, darating din ang tamang tao na magpapatunay na may forever, kahit sa friendship. – AL

Related Articles

Feature

84
Views

Feature

Hecyl Brojan

84
Views