
Nakatakdang makatanggap ng Order of Brilliant Star with Grand Cordon o isa sa pinakamataas na civilian decorations, si dating Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairperson at ngayo’y House of Representatives Secretary General Atty. Cheloy E. Velicaria-Garafil mula sa Taiwan’s Ministry of Foreign Affairs.
Nagsilbi si Garafil bilang Chairperson at Resident Representative ng MECO kung saan pinangunahan niya ang pagpapaigting ng bilateral exchanges at propesyunal na kooperasyon ng dalawang bansa.
Ang nasabing parangal ay kabilang sa mga prestihiyosong pagkilala mula sa nasabing bansa na iginagawad sa mga senior foreign officials na may malaking kontribusyon sa pagpapalakas ng ugnayang diplomatiko.
Nakatakdang igawad kay Garafil ang nasabing pagkilala sa darating na Enero 23, sa Ministry of Foreign Affairs sa Taipei, Taiwan.
Matatandaang nagsilbi rin si Garafil bilang kalihim ng Presidential Communications Office sa ilalim ng Marcos Jr. administration. – VC











