Tuwing papasok ang bagong taon, isa sa mga inaabangan ng maraming Pilipino lalo na ng mga astrology-enthusiasts, ang magiging kapalaran nila base sa kanya-kanyang Chinese zodiac signs.
Kung pagdating lang sa pagbabasa ng zodiac signs, wala nang ibang mas mapagkakatiwalaan pa kaysa sa Feng Shui expert na si Master Hanz Cua.
Ngayong 2025 bilang itinuturing na Year of the Wooden Snake, inisa-isa ni Master Hanz ang mga pangunahing kapalaran ng 12 zodiac signs mula sa swerte hanggang sa mga dapat iwasan.
Year of the Rat: Magiging hamon ang betrayal, scam, at cheating sa usaping pinansyal. Posibleng traydurin ng karelasyon.
Dapat magsuot ng evil eye, black onyx, at black obsidian upang maprotektahan ang sarili mula sa negative stars.
Year of the Ox: Dahil ito ay kaibigan ng snake, maraming biyaya at oportunidad ang darating. Kailangan lamang na ma-cure ang 5 yellow misfortune star upang makaiwas sa mga online scam.
Year of the Tiger: Kilalang hardworking, masipag, masinop, at determinado ang mga ipinanganak sa taong ito. Gayunpaman, dapat maging maingat dahil prone sila sa mga gulo at sakit sa ulo.
Year of the Rabbit: Magiging masagana pagdating sa yaman at pera dahil sa ‘wealth multiplication’. Mahalaga ang pagiging hands-on sa career o negosyo upang mapalago ang kayamanan.
Year of the Dragon: Maraming oportunidad at tagumpay ang darating.
Year of the Snake: Dapat i-cure ang apat na signs: pig, tiger, snake, at monkey. Asahan ang victory at success star na magdadala ng tagumpay.
Year of the Horse: May heaven blessing star kaya makakatanggap ng biyaya mula sa langit.
Year of the Goat: May money at wealth star kaya maraming pera at biyaya ang darating.
Year of the Monkey: Maraming oportunidad ang darating at magandang pagkakataon para magka-baby.
Year of the Rooster: Taglay nito ang love and wisdom star; ito ang pinakamahusay na taon para makahanap ng relasyon.
Year of the Dog: Hahataw ang pera at mga oportunidad, kasama na ang fame at recognition. Dapat maging hands-on upang magtagumpay.
Year of the Pig: Hindi ito ang kanilang taon; kailangan maging kalmado at huwag maging agresibo upang makaiwas sa mga kamalasan.
Paalala naman ni Master Hans, hindi lamang ito ang magdidikta ng buong taon sa isang tao. Ito lamang ay gabay para makatulong sa paglalakbay sa buong 2025.
“Ikaw ang gagawa ng kapalaran mo, ikaw ang guguhit ng 2025 mo,” wika ng Feng shui expert. – VC