IBCTV13
www.ibctv13.com

Listahan ng PUJ drivers na makatatanggap ng P5,000 DSWD cash assistance bukas, inilabas na

1456
Views

[post_view_count]

IBC File Photo

Inilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang listahan ng Public Utility Jeepney (PUJ) drivers na makatatanggap ng cash relief assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa darating na Miyerkules, Marso 25.

Ang inisyatiba ay bahagi pa rin ng patuloy na pagbibigay-suporta ng pamahalaan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD, katuwang ang LTFRB, upang matulungan ang mga jeepney driver na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Para sa listahan ng mga benepisyaryo, magtungo lamang sa link na ito:

https://drive.google.com/drive/folders/1TyZEazfavCO_YWhiOnwXnaJ7n8PcafMg

Nakatakdang magsimula ang payout ganap na 7:00 ng umaga sa mga sumusunod na payout sites, kung saan pinapayuhan ang mga driver na dalhin ang orihinal at photocopy ng kanilang Professional Driver’s License bilang pangunahing requirement sa pagkuha ng tulong-pinansyal.

Photo from LTFRB

Samantala, inanunsyo ng LTFRB ang kanselasyon ng payout sa Marikina at inabisuhan ang mga driver sa lungsod na manatiling nakatutok sa kanilang official channels para sa ilalabas na pinal na schedule.

Mahigpit ding ipinatutupad ng LTFRB ang pagsunod sa nakatalagang schedule ng bawat benepisyaryo upang maiwasan ang pagsisiksikan at mapabilis ang proseso ng pamamahagi.

Hinimok naman ng LTFRB ang mga drayber na patuloy tumutok sa mga susunod pang anunsyo para sa karagdagang listahan at araw ng payout ng cash relief assistance.

Nauna nang nabigyan ng fuel subsidy ang mga TNVS driver nitong Lunes, Marso 24, habang susunod namang tatanggap ang mga delivery rider sa Marso 26-27, at motorcycle taxi drivers sa Marso 28. – VC