IBCTV13
www.ibctv13.com

Namit! : Mga dapat bisitahin para makatikim ng Pinoy delicacies ngayong Filipino Food Month

Hecyl Brojan
88
Views

[post_view_count]

Official poster of this year’s Filipino Food Month (FFM) celebration. (Photo from FFM Facebook page)

Tuwing buwan ng Abril, ipinagdiriwang ang Filipino Food Month, isang selebrasyon ng mayamang kultura at tradisyon ng lutuing Pilipino.

Sa bisa ng Proclamation No. 469 Series of 2018, ang buwan ng Abril ay itinakda upang itampok at ipreserba ang mayamang kultura at tradisyon ng pagkaing Pilipino.

At ngayong 2025 nga ay muli itong ipinagdiriwang sa temang “Sarap ng Pagkaing Pilipino, Yaman ng Ating Kasaysayan, Kultura, at Pagkatao,” na nagbibigay-diin sa papel ng pagkain sa pagkakakilanlan ng bansa.

Sa pangunguna ng Department of Agriculture (DA), Department of Tourism (DOT), Nationl Commission for Culture and the Arts (NCAA), at Philippine Culinary Heritage Movement (PCHM) noong nakaraang Marso 21 opisyal na inanunsyo na muling ipagdiriwang ang buwan ng lutong Pilipino ngayong Abril 2025, katuwang ang iba’t ibang aktibidad bilang bahagi ng selebrasyon.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang nationwide kick-off celebration sa Quezon Provincial Capitol Grounds sa Lucena City nitong Abril 4, na dinaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na personal ding tumikim ng mga produkto ng mga lokal nito.

Sa kanyang talumpati, binigyan-diin ng Pangulo ang kahalagahan ng pagpapalakas ng produksyon at pagpapababa sa presyo ng pagkain sa bansa.

Officially marking the start of the country’s annual festivity of its rich culinary heritage, President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the 2025 Filipino Food Month (FFM) Nationwide Kick-off Celebration at the Quezon Provincial Capitol in Lucena City on April 4, 2025. (Photo from PTV and FFM Facebook)

Ilulunsad naman ang isang linggong High-Value Crops (HVC Week) mula Abril 7 hanggang Abril 11, alinsunod sa Special Order No. 2023 ng Department of Agriculture (DA) sa pakikiisa sa buwanang selebrasyon na ito.

Itatampok dito ang mga produktong agrikultural na may mataas na halaga sa merkado gaya ng gulay, prutas, kape, cacao, at halamang may aromatikong o medicinal na gamit.

Official poster of High-Value Crops (HVC) for the Filipino Food Month (FFM) celebration this April. (Screengrab from DA website)

Samantala, idaraos naman ang KAINCON Filipino Food Conference na may temang “Food as Culture: The Role of Gastronomy in Filipino Identity”, sa Quezon City sa Abril 12, kung saan tatalakayin ang mga isyu at oportunidad sa industriya ng pagkain.

Noong nakaraang taon ay matagumpay ding naisagawa ang KAINCON sa Far Eastern University (FEU) mula Abril 15 hanggang 17, 2024 na dinaluhan ng iba’t ibang personalidad.

Highlights during KAINCON DAY 1 “All Things Filipino Food: Community, Culture and Economy” held at the Far Eastern University, April 15 to 17, 2024. (Photos from Kaincon Facebook)

Sa Abril 25 hanggang 27 naman gaganapin ang AngSarap! Philippine Food Festival sa SM City Rosario, Cavite, kung saan bibida ang mga talentadong Pilipino sa cooking demonstrations kung saan ang tampok ay mga lokal na pagkain.

Noong nakaraang taon, ginanap ang parehong festival sa isang mall sa Makati City na naging matagumpay sa pagpapakita ng yaman ng kultura at tradisyon ng mga pagkaing Pilipino.

During “Ang Sarap! Philippine Food Festival” at One Ayala happened at the Level 2, Concourse, April 27, 2024. (Photos from One Ayala)

Bukod dito, isasagawa rin ang Philippine Food and Beverage Expo (PH Food Expo) sa SMX Convention Center, Pasay sa Abril 10 hanggang 13, kung saan ipapakita ang mga pinakabagong produkto at serbisyo sa industriya ng pagkain, kabilang ang food technology trends.

Photo from Philippine Food Expo Facebook page

Sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad, layunin ng Filipino Food Month na ipagdiwang at ipalaganap ang pagpapahalaga sa lutuing Pilipino, kasaysayan, at kultura habang nagbibigay-suporta sa lokal na industriya ng pagkain. -AL

Related Articles

Feature

70
Views

Feature

Hecyl Brojan

393
Views