IBCTV13
www.ibctv13.com

Palawan, itinanghal na No. 1 island sa buong mundo ngayong 2025 ayon sa U.S. News & World Report

Hecyl Brojan
74
Views

[post_view_count]

Photo by Department of Tourism

Ipinagmamalaki ng Department of Tourism (DOT) ang pagkilalang natanggap ng Palawan bilang Best Island in the World to Visit in 2025 mula sa prestihiyosong U.S. News and World Report.

Sa naturang ulat, pinuri ang Palawan dahil sa taglay nitong likas na ganda mula sa malinaw na karagatan, mga matayog na limestone cliffs, hanggang sa mga kilalang pasyalan gaya ng El Nindo, Coron, at ang Puerto Princesa Subterranean River na kabilang sa UNESCO World Heritage Sites.

Ayon sa DOT, ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagpapatupad ng National Tourism Development Plan (NTDP) 2023-2028 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaagapay ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang responsableng turismo at pangangalaga sa kalikasan.

Binigyang-pugay din ng kagawaran ang mga lokal na komunidad, manggagawang pang-turismo, at stakeholders sa Palawan na patuloy na nagsusumikap para mapanatili ang kagandahan ng isla.

Sa pagkilalang ito, muling iniimbitahan ng DOT ang buong mundo na tuklasin kung bakit ang Palawan–at ang Pilipinas, ay karapat-dapat maging pangunahing destinasyon ng mga biyahero ngayong 2025 at sa mga susunod pang taon. –VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

164
Views

Feature

Divine Paguntalan

265
Views

Feature

Hecyl Brojan

154
Views