
Simula ngayong Pebrero, mapapanood na ang programang ‘Senior Moments’ sa Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC 13) matapos lumagda sa memorandum of agreement (MOA) kasama ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) ngayong Huwebes, Pebrero 5.
Pinangunahan ang paglagda nina IBC President and CEO Jimmie Policarpio, IBC General Manager Dr. Corazon Reboroso, NCSC Chairperson and CEO Atty. Ma. Merceditas Gutierrez, at NCSC Acting Executive Director IV Ana Marie Calapit.
Binigyang-diin ni IBC President and CEO Policarpio ang kahalagahan ng pagkilala sa papel ng mga senior citizen sa lipunan, na siyang naging inspirasyon sa pagsasakatuparan ng nasabing kasunduan.
Para naman sa NCSC, higit pa ito sa isang kasunduan dahil isa itong paraan para maipadama ang respeto, malasakit, at makabuluhang talakayan para sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga nakatatanda sa gitna ng naglipanang mga fake news sa kasalukuyang panahon. – VC











