IBCTV13
www.ibctv13.com

PUJ operators ng 2 tsuper sangkot sa road rage sa Caloocan, ipinatawag ng LTO

Divine Paguntalan
265
Views

[post_view_count]

Two public utility jeepneys were engaged in a road rage incident at Caloocan City. (Screengrab from John Del Bulandos)

Ipinatawag na ng Land Transportation Office (LTO) ang mga rehistradong operator ng dalawang pampasaherong jeepney na nag-viral sa social media matapos masangkot sa delikadong banggaan dahil sa insidente ng road rage sa Caloocan City.

Ayon sa pahayag ni LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II, nag-isyu na sila ng show cause order (SCO) laban sa mga operator na inatasang tukuyin ang mga drayber na sangkot sa insidente.

Ang dalawang drayber ay sasailalim sa hiwalay na imbestigasyon kung nararapat bang suspendihin o bawiin ang kanilang lisensya dahil sa tatlong posibleng kaso — “reckless driving, obstruction of traffic, and improper person to operate a vehicle” — na lahat ay nakasaad sa Section 4 ng Republic Act (RA) 41236.

“Lubhang delikado ang ginawa [ng] dalawang driver na ito dahil kitang-kita sa video na nag-viral sa social media na may mga pasahero sila [nang] mangyari ang insidente,” ani Mendoza.

Pansamantalang nilagyan ng “alarm label” ang dalawang jeepney na may mga plaka na TVS-273 at TVN-720, na nangangahulugang hindi sila maaaring gumawa ng anumang transaksyon habang iniimbestigahan ang kaso.

“Failure to appear and submit the written comments/explanations as required shall be construed by this Office as a waiver of your rights to be heard, and the case shall be decided based on the evidence on hand,” pahayag ng LTO.

Nitong Huwebes, Setyembre 26, nakuhanan ng video ang dalawang pampasaherong jeepney na nag-uunahang mag-overtake sa masikip na kalsada sa Barangay Bagong Silang, Caloocan City kung saan ang mga pasahero nito ay nagmadaling bumaba dahil sa paulit-ulit na banggaan. — VC

Related Articles

Feature

Jerson Robles

173
Views

Feature

Ivy Padilla

684
Views