IBCTV13
www.ibctv13.com

PuroKalusugan program ng DOH, nakatutok sa mga liblib na lugar malayo sa mga health center

Khengie Hallig
126
Views

[post_view_count]

The Department of Health (DOH) brought PuroKalusugan program at Brgy. Cogon, Lezon, Aklan. (Photo from DOH Western Visayas Center for Health Development)

Sa paglulunsad ng mga programa, pangunahing direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bawat ahensya ng pamahalaan ay siguruhing walang makakalimutan, walang maiiwan.

Ito ang pundasyon ng programang PuroKalusugan ng Department of Health (DOH) na layong ilapit ang mga serbisyong medikal sa mga hindi agarang naaabot ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpunta sa mga “purok” na malalayo sa mga health center.

Ayon kay DOH Secretary Ted Herbosa, prayoridad ng ahensya na mas palawakin pa ang pagbibigay ng serbisyong medikal sa mga Pilipino.

Sa ilalim ng PuroKalusugan, nakikipag-ugnayan ang mga health worker sa mga purok leader upang magsagawa ng iba’t ibang serbisyo gaya ng libreng konsulta, pagbibigay ng gamot, at laboratoryo.

Sa ganitong paraan, hindi na kailangan pang magtungo ng mga residente sa mga ospital para sa makakuha ng serbisyong pangkalusugan.

Bahagi rin ng programa ang pagsusulong ng malusog na pamumuhay kaya hindi lang serbisyong pang-nutritisyon ang ipinamamahagi kundi maging vaccination, bukod pa sa mga pangunahing health care services.

Sa kasalukuyan, libu-libong purok na ang naikot ng DOH katuwang ang mga lokal na pamahalaan na kinabibilangan ng iba’t ibang mga purok sa bansa.

Linggu-linggo namang nagtutungo ang mga health worker sa iba’t ibang mga purok upang isagawa ang nasabing mga serbisyo at matutukan ang kalusugan ng bawat pamilya sa mga liblib na lugar

Dagdag pa ni Herbosa, napakahalagang palakasin at pagandahin pa ang programang ito ng ahensya upang hindi lamang
mga sakit ang mabigyang prayoridad kundi maging ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhay. – VC

Related Articles