IBCTV13
www.ibctv13.com

Sip responsibly gamit ang alternative straws

Hecyl Brojan
249
Views

[post_view_count]

Canva file photo

Ngayong National Skip the Straw Day, hinihikayat ang lahat na gumamit ng eco-friendly alternatives straws upang mabawasan ang plastic waste.

Sa dami ng eco-friendly innovations ngayon, hindi na mahirap humanap ng alternatibong straw na hindi nakakasama sa kalikasan.

Sa simpleng paglipat sa sustainable options o pag-inom nang direkta sa baso, nakakatulong ka na sa pangangalaga sa kalikasan, mabawasan ang pagdami ng plastik na basura, at pagsuporta sa lokal na industriya.

Kaya kung hilig mong bumisita sa coffee shops tuwing weekends, o kung kape na ang dumadaloy sa dugo mo at hindi na kayang walang kape sa isang araw, narito ang listahan ng iba’t ibang klase ng sustainable straws na kayang sumabay sa anumang lifestyle.

5 sustainable straw alternatives

1. Metal straws: Matibay at pangmatagalan

Canva file photo

Eco-sustainability impact: Dahil reusable at maaaring tumagal ng maraming taon, nakakatulong ito sa pagbabawas ng demand sa single-use plastics. Sa pamamagitan ng metal straws, nababawasan ang pangangailangan sa patuloy na paggawa at pagtatapon ng disposable straws, na kadalasang nauuwi sa karagatan at landfill.

Fun fact: Ang paggawa ng stainless steel ay may initial carbon footprint, ngunit dahil sa tibay nito, mas bumababa ang environmental impact nito kumpara sa patuloy na paggawa ng plastic straws.

2. Bamboo straws: Likas at biodegradable

Canva file photo

Eco-sustainability impact: Ang bamboo straws ay mula sa natural at mabilis lumago na kawayan, kaya hindi ito nagdudulot ng deforestation. Maliban pa rito, bilang isang biodegradable ay hindi ito nag-iiwan ng permanenteng basura sa kapaligiran.

Fun fact: Sa Pilipinas, maraming magsasaka ang maaaring makinabang sa produksyon ng bamboo straws at magbibigay ng oportunidad para sa sustainable livelihood.

3. Glass straws: Aesthetic at eco-friendly at the same time

Canva file photo

Eco-sustainability impact: Ang borosilicate glass na ginagamit sa paggawa ng glass straws ay matibay at heat-resistant, kaya maaaring magamit nang maraming beses. Dahil hindi ito disposable, makakatulong ang paggamit ng glass straws sa pagbabawas ng plastic waste.

Fun fact: Ang mga basag na glass straws ay maaaring i-recycle, kaya kahit masira, hindi ito kailangang itapon nang basta-basta sa landfill.

4. Silicone straws: Flexible at safe para sa lahat

Canva file photo

Eco-sustainability impact: Bagaman hindi biodegradable ang silicone, higit itong eco-friendly kaysa plastic dahil kaya itong gamitin nang paulit-ulit sa loob ng maraming taon, mas mainam kaysa single-use plastics na agad-agad tinatapon matapos gamitin.

Fun fact: Ang silicone ay mas matibay kaysa plastic at hindi natutunaw sa matataas na temperatura, kaya hindi ito naglalabas ng microplastics sa iyong inumin.

5. Edible straws: Zero-waste, literal na pwedeng kainin!

Alternative straw made with rice (Photo from Rice Straw Technologies)

Eco-sustainability impact: Ang edible straws ay zero-waste dahil maaari itong kainin pagkatapos gamitin o natural na matutunaw, kaya walang iniiwanang basura sa kapaligiran. Hindi tulad ng plastic, hindi ito nag-aambag sa polusyon sa karagatan at landfill.

Fun fact: Ang ilan sa edible straws ay gawa sa bigas at trigo, kaya maaari itong suportahan ng mga lokal na magsasaka sa Pilipinas bilang isang sustainable na produkto.

Maliit na hakbang, malaking epekto

Ang pagpili ng sustainable straws ay isang simpleng hakbang, ngunit ito ay may malaking epekto sa pangangalaga ng ating kalikasan. Sa pamamagitan ng pagpili ng reusable at biodegradable na alternatibo, makakatulong ka na sa sumusunod na paraan:

Pagbawas ng plastic pollution – Mas kaunting plastic waste ang napupunta sa karagatan at landfill.

Pagpapalakas ng sustainable industries – Nasusuportahan ang mga negosyong gumagawa ng eco-friendly products.

Pangangalaga sa kalusugan – Mas ligtas at walang nakakasamang kemikal kumpara sa plastic straws.

Ang National Skip the Straw Day ay hindi lamang isang araw, kaya piliin ang mas makakalikasang alternatibo at maging bahagi ng solusyon sa plastic pollution sa iyong araw-araw na pamumuhay. – VC

Related Articles

Feature

Hecyl Brojan

149
Views

Feature

Hecyl Brojan

165
Views