IBCTV13
www.ibctv13.com

SWS: 27% ng mga Pinoy, saksi o biktima ng panloloko sa pag-ibig

Khengie Hallig
5852
Views

[post_view_count]

WALA TALAGANG FOREVER!

Isang araw bago ang Araw ng mga Puso, lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na 27% ng mga Pilipino ang nakasaksi o nakaranas ng iba’t ibang uri ng ‘cheating’ o panloloko sa relasyon.

11% sa mga ito ang nakaranas ng physical cheating o pagkakaroon ng intimate activity ng kanilang partner sa ibang tao, at emotional cheating o pag-rely emotionally sa iba.

Sinundan ito ng cybercheating o pagkakaroon ng ka-chat online (6%), object cheating (6%) o pagiging obsess sa isang bagay, at financial cheating o pagtatago ng utang o mamahaling binili (5%).

Sa kabila nito, 43% ng mga Pilipino ang naniniwalang maaari pa muling mabuo ang kanilang tiwala matapos makaranas ng panloloko, habang 36% naman ang nanindigang hindi na ito maibabalik.

Samantala, maswerte pa rin ang 72% ng mga Pilipino na nagsabing hindi pa sila nakakaranas ng kahit anong uri ng panloloko.

Isinagawa ang survey noong Nobyembre 24-30, 2025, saklaw ang 1,200 mga respondente na nasa edad 18 pataas mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Related Articles

Feature

Khengie Hallig

20292
Views

Feature

Ivy Padilla

7069
Views

Feature

Ivy Padilla

4787
Views