
Sa gitna ng abalang araw sa serbisyo publiko, isang munting handog ang maaaring magsilbing pagkakataon upang makapag-recharge ang mga kawani ng pamahalaan.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng nalalapit na ika-126 anibersaryo ng Philippine Civil Service Commission (PCSC) sa Setyembre 19, may handog ang Civil Service Commission na exclusive discounts, dining treats, at entertainment at wellness perks para sa mga lingkod-bayan.
Sa pamamagitan ng Lingkod Bayani Rewards Program, maaaring samantalahin ng mga government employee ang iba’t ibang service privileges sa buong buwan ng Setyembre.




Wellness perks
Shopping perks
Entertainment perks
Para ma-avail ang mga promo, kailangan lamang i-download ang SM Malls Online app at hanapin ang Lingkod Bayani Rewards coupons.
Maaaring piliin ang nais na offer at i-redeem ito sa mga participating branch.
Kailangan lamang din na magpakita ng valid government-employee ID sa pag-avail ng napiling promo.
Ang Lingkod Bayani Rewards ay isang buwang inisyatiba ng CSC bilang pasasalamat sa hindi matatawarang serbisyo at kontribusyo ng mga lingkod-bayan sa bansa. – VC











