IBCTV13
www.ibctv13.com

Name withheld’ topnotcher ng March 2026 PLE, may pangalan na!

Kristel Isidro
91
Views

[post_view_count]

Photo courtesy of Lyceum-Northwestern University

Matapos ang mahigit isang linggong palaisipan, pinangalanan na ng Professional Regulation Commission (PRC) ang pagkakakilanlan ng topnotcher sa March 2026 Physicians Licensure Examination (PLE).

Sa Facebook post ng ahensya, kinilala ang topnotcher na si Erwin Ken Parchaso, graduate mula Lyceum Northwestern University sa Dagupan City, na naunang kinilala bilang “name withheld” sa listahan.

Ayon sa PRC, 1,954 ang nakapasa mula sa kabuuang 2,781 examinees sa March 2026 PLE, habang ang ilang resulta ay pansamantalang hindi inilabas para sa beripikasyon at pagsunod sa umiiral na alituntunin sa licensure.

Nag-viral ang naging anunsyo ng resulta, kung saan may ilan pang nagbiro na batiin ang kanilang mga kaibigan.
Nagbigay-pugay naman ang Lyceum Northwestern University sa tagumpay ni Parchaso, na anila’y sumasalamin sa mataas na antas ng kahusayan at dedikasyon sa larangan ng medisina.

“This exceptional accomplishment reflects outstanding excellence, dedication, and the strong foundation of medical education within the Lycean community,” saad ng unibersidad.

Ang PLE, na kilala bilang medical board exam, ay ang huling hakbang upang maging ganap na doktor sa bansa bago makapagtrabaho bilang general practitioner o makapagpatuloy sa residency training sa mga ospital. – VC