IBCTV13
www.ibctv13.com

PBA player John Amores, namaril ng nakaalitang basketbolista; sumuko na sa awtoridad

Ivy Padilla
8733
Views

[post_view_count]

PBA player John Amores (Photo by PBA/File)

Nahaharap sa kasong ‘attempted murder’ ang Philippine Basketball Association (PBA) player na si John Amores matapos mamaril ng nakaalitang basketbolista sa Laguna nitong Miyerkules, Setyembre 25.

Base sa imbestigasyon ng kapulisan, hindi nagkasundo si Amores at ang biktima na kinilalang si Lee Cacalda sa isang basketball game sa Barangay Salac na nauwi sa hamunan ng suntukan.

Magkasunod na umalis sina Amores at Lee sa nasabing lugar hanggang magpang-abot ulit sa Barangay Maytalang.

Dito ay nagkahamunan ulit ng suntukan ang dalawang manlalaro kung saan naglabas na ng baril si Amores at ilang beses pinaputukan si Lee.

Maswerteng hindi nagtamo ng kahit anong injury ang biktima.

Bandang alas-dos ng umaga ngayong Huwebes, Setyembre 26, iniulat ng Laguna police na boluntaryong sumuko si Amores sa mga awtoridad dahil umano sa mga natatanggap na banta sa buhay.

Matatandaan noong 2022, naging kontrobersyal din ang PBA player matapos manapak ng isang kalaban mula sa College of Saint Benilde sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) game. -VC

Related Articles

Feature

Divine Paguntalan

145
Views

Feature

Ivy Padilla

766
Views

Feature

Alyssa Luciano

282
Views