IBCTV13
www.ibctv13.com

Tatay na walang pandinig, humiling ng P100 halaga ng cake sa isang pastry shop panregalo sa graduating na anak

Jen Taying
193
Views

[post_view_count]

A local pastry shop in Legazpi, Albay has gone viral following the story of a deaf customer requesting for a P100 worth of cake for his graduating son.

Maraming netizens ang naantig sa liham ng isang ama na may problema sa pandinig na ibinahagi online ng isang local pastry shop sa Legazpi, Albay.

Kwento ng Lazy Baker Cupcakerie, isang customer ang nag-abot ng sulat sa kanilang store kamakailan kung saan nakasaad dito ang kanyang hiling na simpleng tig-P100 na cake para sana sa graduation ng kanyang anak na si Lawrence.

Ngunit dahil sa nakakaantig na mensahe ng customer, higit sa P100 halaga ng cake pa ang ibinigay ng store para sa kanya.

Bilang pasasalamat, muling sumagot sa isang liham si tatay kung saan nag-alok pa ito ng libreng serbisyo para sa pastry shop.

“It’s moments like these that remind us of the incredible strength of a parent’s love and the true meaning of community,” nakaka-inspire na mensahe ng Lazy Baker Cupcakerie.

Lahat naman ay naantig sa kwento ng mapagmahal na ama kung saan bumuhos ang kanilang paghanga para sa kanya.

“Sobrang touching and inspiring naman nito. God bless po sa owner ng bakery and also to Tatay and his son, Lawrence! ” komento ng isang netizen. -VC