
Maswerteng paghahatian ng dalawang mananaya mula sa Nueva Ecija at Mandaluyong City ang tumataginting na P45,568,562.29 jackpot prize sa Mega Lotto 6/45 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong gabi ng Lunes, Abril 27.
Kapwa nahulaan ng lucky bettors ang winning combinations na 6 – 4 – 5 – 27 – 34 – 11.
Samantala, bigo namang maiuwi ang halos P70 milyong jackpot prize sa Grand Lotto 6/55 draw.
Narito naman ang schedule ng mga lotto game araw-araw mula Linggo hanggang Sabado:
– Ultra Lotto (Tuesday, Friday, Sunday)
– Super Lotto (Tuesday, Thursday, Sunday)
– Grand Lotto (Monday, Wednesday, Saturday)
– Mega Lotto (Monday, Wednesday, Friday)
– Lotto (Tuesday, Thursday, Saturday)
Subaybayan ang PCSO Lottery Draw tuwing 2:00 p.m., 5:00 p.m., at 9:00 p.m. sa mga tahanan nito sa IBC 13 at D8TV, gayundin sa online platforms ng PCSO, IBC-13, at DWAN 1206.











