IBCTV13
www.ibctv13.com

4th Nationwide Simultaneous Earthquake Drill, susukat sa kahandaan ng mga komunidad at LGU vs posibleng lindol, tsunami

95
Views

[post_view_count]

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office XI joined government agencies nationwide in the 2026 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) on September 10, 2026. (File photo of DSWD)

Upang masukat at mapalakas ang kahandaan ng mga komunidad at mga ahensya ng pamahalaan sa posibleng pagtama ng lindol at tsunami, nakatakdang isagawa ng Office of Civil Defense (OCD) ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa Huwebes, Nobyembre 5.

Pangungunahan ng OCD, katuwang ang mga miyembro ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at mga lokal na pamahalaan, ang nationwide exercise na pangunahing isasagawa sa Sta. Ana, Cagayan at sabay na lalahukan ng iba’t ibang lugar sa bansa.

Magsisimula ang programa bandang alas-8 ng umaga, habang alas-9 naman ang ceremonial pressing of the button na magsisilbing hudyat ng pagsisimula ng Duck, Cover, and Hold at evacuation drill.

Bahagi ng pagsasanay ang pagsusuri sa pagpapatupad ng Contingency Plan for Earthquake and Tsunami at Regional Disaster Response Plan (RDRP), o kakayahan ng mga lokal na pamahalaan at kinauukulang ahensya na tumugon sa sakuna.

Gagamitin sa full-scale exercise ang senaryo ng magnitude 8.5 na lindol na may epicenter na 180km sa timog-silangan ng Sta. Ana, Cagayan.
Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ang activation ng Early Warning System (EWS), community evacuation, emergency telecommunication at Incident Management Teams (IMTs).

Susubukan din ang kakayahan ng mga responder sa logistics coordination and management, mass casualty incident (MCI) management, Search, Rescue and Retrieval (SRR), at Water Search and Rescue (WASAR).

Isasama rin sa simulation ang pagpapanatili ng seguridad, paghahanap at pag-asikaso sa mga nasawi at nawawala, gayundin ang pagtugon sa mga posibleng chemical hazard at oil spill.

Kasabay ng NSED, makikiisa rin ang OCD sa paggunita sa World Tsunami Awareness Day 2026, na naglalayong itaas ang kamalayan ng publiko sa mga panganib na dulot ng tsunami at kahalagahan ng maagap na paghahanda.

Pagkatapos ng ceremonial pressing of the button, magsasagawa ng forum na pinamagatang “Over Coffee Dialogues: Earthquake and Tsunami Preparedness.”

Tampok dito ang mga eksperto mula sa international disaster risk reduction practitioners na magbabahagi ng kaalaman tungkol sa mga panganib ng mga sakuna.

Muli namang hinikayat ng OCD ang publiko na aktibong lumahok sa mga earthquake drill, alamin ang mga ligtas na lugar at evacuation route, at maging pamilyar sa mga nararapat na gawin bago, habang, at pagkatapos ng lindol at tsunami. – IP