IBCTV13
www.ibctv13.com

AI tool na susuri sa nutrisyon ng mga mag-aaral, ilulunsad ng DepEd para mabawasan ang trabaho ng mga guro

Khengie Hallig
149
Views

[post_view_count]

A teacher assessing the nutritional status of the students by measuring their height and weight and calculating their Body Mass Index (BMI) values, in Bunducan Elementary school at Bocaue, Bulacan. (Photo from Deped Tayo – Bunducan Elementary School)

Isang artificial intelligence (AI)-assisted system ang nakatakdang ilunsad ng Department of Education (DepEd) para mabawasan ang administrative workload ng mga guro, lalo na pagdating sa pagsusuri ng nutrisyon ng mga mag-aaral.

Sa tulong ng Education Center for AI Research (ECAIR), nabuo ang System for Intelligent Growth and Learner Anthropometry (SIGLA) na isang mobile phone-assisted tool at maaaring gamitin sa pagkuha ng taas at Body Mass Index (BMI) ng mga estudyante na hindi na kinakailangan pa ng manual encoding.

Layunin ng nasabing kagamitan na mapabilis ang pagsusuri ng kalusugan ng mga mag-aaral at tiyaking wasto ang mga datos nito.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, malaki ang maitutulong ng SIGLA tool sa agarang pagtugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral gaya ng nutrition support.

Dagdag pa ni Dr. Erika Fille Legara ng ECAIR, mabilis na matutukoy ng mga guro ang mga mag-aaral na nanganganib na magkaroon ng stunting o underweight na kondisyon gamit lamang ang larawang kuha sa mobile phone.

Inaasahang mababawasan ng nasabing kagamitan ang administrative workload ng mga guro kaya naman mas maraming oras na ang mailalaan nila sa pagtuturo.

Samantala, nilinaw naman ng kagawaran na magsisilbi lamang itong decision-support tool at may kaagapay pa ring human reviewers. IP

Related Articles