IBCTV13
www.ibctv13.com

COMELEC, nagpaalala sa mga ipinagbabawal na gawain bago ang 2026 BSKE

76
Views

[post_view_count]

Teenagers fill up voter registration forms at the Commission on Elections office at the old municipal building in Peñaranda, Nueva Ecija. (File photo of PNA)

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga ipinagbabawal na gawain kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections na nakatakdang idaos sa Nobyembre 2, 2026.

Mula Setyembre 18 hanggang Nobyembre 1, hindi na maaaring mag-release, mag-disburse o gumastos ng public funds nang walang kaukulang pahintulot mula sa COMELEC.

Ipinagbabawal ang pagsasagawa ng construction ng public works, delivery ng mga materyales, at issuance ng treasury warrants at iba pang katulad na devices.

Bawal ang appointment o hiring ng mga bagong empleyado sa pamahalaan sa naturang panahon.

Hindi rin pinapayagan ang paglikha at pagpuno ng mga bagong posisyon, gayundin ang promotion at pagbibigay ng salary increase, remuneration o anumang privilege.

Muling nagpaalala ang komisyon na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng vote-buying at vote-selling.

Ang pagbili at pagbebenta ng boto ay itinuturing na paglabag sa ilalim ng Section 261(a) ng Omnibus Election Code.

Maaaring maparusahan ang mga mapatutunayang lumabag sa pamamagitan ng pagkakakulong mula isa hanggang anim na taon, disqualification sa paghawak ng pampublikong posisyon, at pagkawala ng karapatang bumoto. – VC