IBCTV13
www.ibctv13.com

Daan-daang magsasaka, vulnerable sectors, tumanggap ng bigas sa Capiz sa pangunguna ni PBBM

K.H
140
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr., together with First Lady Liza Araneta-Marcos, leads the rice distribution for farmers and vulnerable sectors at Roxas City, Capiz, on Monday, April 27. (Photo from PIA Capiz)

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos ang pamamahagi ng bigas sa mga magsasaka at mga vulnerable sector sa Roxas City, Capiz ngayong Lunes, Abril 27.

Naisakatuparan ang nasabing distribusyon sa pamamagitan ng paglalaan ng 100 porsyentong pondo mula sa Local Government Support Fund (LGSF).

Umabot sa 500 ang bilang ng mga benepisyaryo na kinabibilangan ng mga magsasaka at mga residente mula sa multi-sectoral groups, kabilang ang mga persons with disability (PWDs) at solo parents mula sa iba’t ibang barangay sa lugar ang nakatanggap ng tig-10 kilong bigas.

Bahagi ito ng hakbang ng pamahalaan na tugunan ang epekto ng hamon sa presyo ng langis at pagkain sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa unang pag-arangkada ng ‘Biyayang Bigas’ para sa Maynila kamakailan na isasagawa ang rice distribution nang anim na beses sa loob ng isang taon. – MP