
Mas pinabilis na ang pag-access ng mobile users sa kanilang Digital Taxpayer Identification Number (TIN) ID gamit ang eGovPH App, ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Bahagi ito ng pagsisikap ng ahensya, sa pakikipagtulungan sa Department of Information and Communications Technology (DICT), para sa digitalization efforts ng pamahalaan.
Ayon sa BIR, maaari lamang makuha ang Digital TIN ID sa eGovPH App Mobile ID Wallet sa oras na magtugma ang eGovPH profile ng isang indibidwal sa records ng ahensya.
Kinakailangan ding magkaroon ng existing Digital TIN ID sa Online Registration and Update System (ORUS) ng BIR eSERVICES para makita ito sa loob ng nasabing app.
Narito naman ang mga hakbang sa pag-access ng inyong Digital TIN ID:
I-download ang eGovPH App sa Google Play o App Store
Gumawa ng account gamit ang personal na detalye
Iberipika ang pagkakakilanlan gamit ang facial recognition
Mag log-in gamit ang account
Pindutin ang “Digital ID” icon (Mobile ID Wallet) na makikita sa ibabang bahagi ng screen
Para sa iba pang mahahalagang anunsyo kaugnay sa Digital TIN ID, bisitahin lamang ang official page at website ng ahensya. – MP











