IBCTV13
www.ibctv13.com

Handog ng Pangulo Caravan, naghatid ng P2.83-B halaga ng tulong at serbisyo sa loob ng isang araw

89
Views

[post_view_count]

President Ferdinand R. Marcos Jr. led the annual Salo-Salo sa Palasyo at Malacañang last Monday, September 14, in celebration of his 69th birthday. (Photo courtesy of PCO)

Umabot sa P2.83 bilyon ang kabuuang halaga ng mga serbisyong naipamahagi ng pamahalaan sa mga Pilipino sa ilalim ng Handog ng Pangulo Caravan, na sabay-sabay na isinagawa sa 91 lugar sa buong bansa nitong Lunes, Setyembre 14.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, isinagawa ang caravan isang araw matapos ang ika-69 kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang kanyang regalo sa taumbayan.

Kabilang sa mga serbisyong inilapit sa mga Pilipino ang libreng serbisyong medikal, kabilang ang outpatient, emergency room, at inpatient service.

Nakibahagi sa aktibidad ang mga ospital ng Department of Health (DOH), Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) hospitals, at mahigit 44 ospital na pinamamahalaan ng mga lokal na pamahalaan.

Sa mga DOH at LGU hospital, libreng ibinigay ang maternal care para sa parehong inpatient at outpatient services.

Kasabay nito, patuloy na ipinatupad ang Zero Balance Billing (ZBB) para sa mga pasyenteng nasa basic o ward accommodation.

Samantala, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay namahagi ng P20 kada kilo ng bigas at tulong-pinansyal.

Kabilang pa sa naghatid ng serbisyo ang Land Transportation Office (LTO), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), Public Attorney’s Office (PAO), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), at Department of Trade and Industry (DTI).

Iiniulat naman ng Department of Education (DepEd) na higit 47,600 target beneficiaries ang nakinabang sa libreng health services, kabilang ang mga guro, non-teaching personnel, learners, at mga magulang o guardian. – VC