IBCTV13
www.ibctv13.com

Housing loan limit ng Pag-IBIG Fund, itinaas hanggang P10-M

Ivy Padilla
106
Views

[post_view_count]

Pag-IBIG Housing Loan (Left); Palayan City Township Open House (Right) (File photos from Pag-IBIG Fund)

Tumaas ang maximum housing loan ng Pag-IBIG Fund sa P10 million kada borrower upang mas marami pang mga Pilipino ang makinabang sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ang mas malaking loan ceiling ay dagdag sa kasalukuyang subsidized na 3% housing loan rate para sa mga kwalipikadong bibili ng socialized housing.

Sa bagong loan ceiling, maaaring bayaran ng mga kwalipikadong borrower ang kanilang loan ng hanggang 30 taon, na may interest rate na maaaring bumaba hanggang 5.75% kada taon depende sa kanilang napiling fixing period.

Nilinaw naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta na ang loan application ay dadaan pa sa credit evaluation, capacity-to-pay requirements, collateral appraisal, at iba pang housing loan guidelines.

Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon P. Aliling, bahagi ang hakbang ng mas pinalawak na layunin ng pamahalaan na ilapit sa lahat ng manggagawang Pilipino ang pagkakaroon ng sariling tahanan.

Inaasahan din ng ahensya na mabibili na ang mga ibinibentang housing units, lalo na ang mga ready-for-occupancy condominium units, sa Metro Manila at iba pang urban centers. – VC