Napanatili ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang magandang lagay ng kanyang trust at satisfaction ratings sa ikatlong kwarter ng 2024 batay sa Tugon ng Masa (TNM) survey ng OCTA Research.
Sa pinakabagong datos, nakakuha ang punong ehekutibo ng 69% na trust rating kung saan 11% lamang ang may ‘distrust’ habang nananatiling 19% ang ‘undecided’.
66% naman ang kanyang satisfaction rating kung saan 12% ang ‘dissatisfied’ habang 23% ang ‘undecided’.
Ang mga datos ay hindi nalalayo sa 71% na trust at 68% satisfaction ratings na nakuha ng Pangulo noong ikalawang kwarter ng taon.
Samantala, kapansin-pansin ang naging pagbaba ng trust ratings ni Vice President Sara Duterte mula 65% patungong 59%, gayundin ang dating 60% na performance rating na ngayon ay 52% na lamang.
Patuloy naman na nakatanggap ng mataas na satisfaction rating ang dalawang lider ng Kongreso na sina Senate President Chiz Escudero na may 65% at House Speaker Martin Romualdez na may 62%.
Isinagawa ang naturang pag-aaral mula Setyembre 4-7 saklaw ang kabuuang 1,200 respondente. -VC