IBCTV13
www.ibctv13.com

Marcos Jr. admin, hindi titigil sa pagbubukas ng mas maraming dekalidad na trabaho

93
Views

[post_view_count]

Department of Labor and Employment’s job fair at Cuneta Astrodome in Pasay City. (File photo of PNA)

Patuloy na tututukan ng pamahalaan ang mga pamumuhunan na lilikha ng mga dekalidad na trabaho kasunod ng mga positibong resulta sa labor market noong Hulyo ayon sa Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev).

Batay sa July 2026 Labor Force Survey (LFS), umabot sa 52.36 milyon ang bilang ng mga Pilipinong kabilang sa labor force, habang tumaas din sa 49.21 milyon ang kabuuang bilang ng mga may trabaho.

Bumaba naman sa 12.9% ang underemployment rate noong Hulyo, mula sa 14.8% sa kaparehong buwan noong 2025.

Nakapagtala din ng pagbaba na 15.2%, mula 15.9% noong Hulyo 2025, sa bahagi ng mga kabataang hindi nag-aaral, walang trabaho, at hindi sumasailalim sa training o NEET (not in education, employment, or training).

Samantala, tumaas ang unemployment rate sa 6.0%, mula sa 5.3% noong Hulyo 2025.

Ayon kay DEPDev Secretary Arsenio Balisacan, ipinapakita ng mga resulta na mas maraming Pilipino ang nakikilahok sa labor market, kaya’t mahalagang patuloy na makahikayat ng mga pamumuhunan na lilikha ng dekalidad na trabaho.

“These figures show both progress and challenge. More Filipinos are participating in the labor market, which means that we need to intensify efforts to attract investments, especially those that create quality jobs,” ani Balisacan.

Kabilang sa mga prayoridad na hakbang ng pamahalaan ang pagbibigay ng suporta sa maliliit na negosyo, pagpapalakas ng climate risk management sa vulnerable sector, paghikayat ng pamumuhunan sa mga industriyang may mataas na potensiyal sa paglago, at pagtulong sa mga manggagawa na makapasok sa pormal na trabaho.

Palalawakin din ang paggamit ng AI-enabled eTrabaho platform at TESDA Skills Passport upang mas mapadali ang paglapit sa mga manggagawa sa skills training at mga oportunidad sa trabaho.

Isusulong din ng pamahalaan ang mga reporma sa ilalim ng National Education and Workforce Development Plan 2026–2035, kung saan matitiyak ang pagkilala ng mga bansang kabilang sa ASEAN sa qualifications at skills certifications ng mga Pilipinong manggagawa.

Giit ni Balisacan, mahalaga ang patuloy na pamumuhunan sa skills, innovation, at competitiveness ng mga negosyo upang makapaghanda rin ang workforce sa mga oportunidad at hamon na dulot ng pagbabago sa ekonomiya, teknolohiya, at klima. – VC