
Bilang pagkilala sa mga manggagawang Pilipino ngayong Labor Day, ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mas palalawakin pa ang oportunidad sa trabaho at palalakasin ang proteksyon para sa kanila tungo sa mas maunlad na kabuhayan at ekonomiya.
“As we face changing economic pressures, rest assured that this administration stands firm in defending the dignity of every Filipino by creating more and better jobs, boosting worker protection, and broadening pathways for all to succeed,” mensahe ng Pangulo sa selebrasyon ng ika-124 na Araw ng Manggagawa sa General Santos City.
Binigyang-diin din ng lider ang malaking kontribusyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang sektor pagdating sa pagpapaunlad ng bansa.
Aniya, hindi rin matatawaran ang kakayahan ng mga Pilipino sa pakikipagsabayan sa kabila ng mga pagbabago sa teknolohiya man o industriya.
“You are, and will always be, the backbone of our Republic,” saad ng Pangulo. – IP











